8lien the Explorer Thrill yourself: Trip-tripan to Sagada

8lien the Explorer

 

Thrill yourself: Trip-tripan to Sagada

 

 

 

Mga kailangang alalahanin bago umakyat ng Sagada, Mt. Province a Special Place. A special piece of advice from the expert: Sir MMRA, Sir Genius and Kuya Kim ang ating mga natatangi at makikisig na mountaineers.

 

Recommended to have: Drifit shirt, trecking pants/shorts, dry bag, towelite, assault bag, head lamp, arm warmer, head lamp. Kung hindi niyo alam ang mga yan, I google niyo. Pareho lang din tayo. Hihi

Things to bring: clothes, underwear, slippers, med, sun block plastic bag, toiletries, hat, harabas shoes, trail food, bottled water at syempre camera: “Take nothing ut pictures, leave nothing but footprints, kill nothing but time.” “Leave no trace.”

 

Galing ng Cubao kakailanganin ng 6 na oras para makarating sa Baguio City, ang Summer Capital ng Pilipinas at karagdagang 6 na oras para makarating sa Sagada galing sa Baguio City. Pagdating ng tanghali, pwede ng magala-gala, magpicture-picture sa town proper , pwede na ring mamili ng souvenirs para agad ng maubos ang baon sa unang araw palamang. Note # 1 Magdala ng makapal na jacket, malamig sa Baguio, “Sa sobrang lamig hindi mo na mararamdaman ang init ng alak” anya ni Anakalakgalak. Magdala ng jacket para hindi ginawin ngayong Summer. Gayahin si Dora at pano siya mag prepare sa kanyang adventure.

 

 

 

 

Note # 2 Magdala ng matibay na tsinelas at harabas na shoes, abangan kung bakit. Hihi. Ayun, Buong araw na pahinga, maari na ring magstretching at tumkbo takbo para makundisyon and buto-buto para sa totoong adventure kinabukasan.

 

 

 

“Where are we going?” anya ng Kamahalan, “Sagada!” sabe ng mga alipores. Syempre kailangan natin ng mapa para makarating sa patutunguhan. Eto ang unang araw ng totoong adventure ni Dora and Friends. Note # 3 required ang sumigaw. Tinatawag natin ang araw na to na the cave adventure. Alas 4 ng umaga ay ang Trek to Kiltepan Mountain kung saan makikita ang view point sunrise pwede na ring mag picture-picture kung trip mong ipalike sa facebook ang una mong mountain adventure. Mag breakfast na din sa Salt and Pepper at siguraduhing full pack food para sa susunod na anim na oras na adventure sa madami at naglalakihang kweba na tinatawag na The Cave Connections.

 

Note # 4 abangan ang mga Dinosours at ahas sa paglalakbay. Bakit nga pala required sumigaw? Ayun makakakita ka kasi ng Dino, ahas at ba pang vertebrates. Maari ka ding mahulog sa 50 talampahakan na kweba, kung saan maari kang mahulog at mauntog sa mga naglalakihang stalactites at stalagmites. Syempre, joke lang ang mga iyon. Kung gaano kataas ka huhulugin, hindi ko pa din naman alam, at siguradong safe and effective! Pagkatapos mo madaanan ang mga kwebang ito, maghanda na sa finish point ng adventure na ito. Ito ang pinakamagandang tanawin sa lugar ang Hanging Coffin. Yap tama ang iyong inaakala, ito ay isang sementeryo. Bakit maganda? Hindi ko pa rin naman alam, pero interesting daw. Dadaanan pa ang Echo Valley at Underground River, ang labas mo ay Palawan na.

 

6:00 PM to do: Others. Hindi ko alam kung ano ang nais iparating ng “others” na ito sa aming guide pamplet. Siguro kanya kanyang trip na lang. Bahala na kayo kung ano ang inyong iisipin na gagawin, hindi pa rin naman alam ng team, maliban sa nais gawin ni Sir Genius at Sir Wow.

 

 

 

 

Image

 

 

 

 

“Hulaan niyo kung ano ang next adventure ko? “ Anya ni Kamahalan. Day 2 ay tungkol sa Extreme Falls adventure. 6:00 am ang wake up call, mga 7:00 am ang totoong gising. Extreme Pongas Falls ng 8:00 am, iniisip ko kung gaano kalayo ang talon na ito, mahigit 10 oras kasi ang alloted na oras para dito, madami din ang ilog at sapang dadaanan, dito mo kakailanganin ang matibay na tsinelas at sapatos na pwedeng mabasa. Hindi mo na rin kailangang maligo bago mag start ang adventure na ito. Sadyang dapat ready ka lang mabasa at maligo, iyon ang katuturan ng drifit shorts at trecking pants or shorts. Tulad din ng towelite, mabilis itong matuyo.

 

Gabi na kami dadating para magpahinga. May “socials” din na kasama sa schedule. Eto nga pala ang kwento ng “Kailangan Mukang Bago ang Brief Mo” ang ating Note # 5 . Niakwento ni Sir MMRA na may Leadership Program ang mga Mountaineers kung saan itatapon nila ang underwear ng mga bisita sa pool at kukunin mo ito. Syempre wala kang choice kundi kunin kasi lagot ka, mawawalan ka ng underwear sa mga susunod na araw. At kung butas butas at sira sira ang garter ng brief mo, nakakaawa ka. Mamatay ka lamang sa hiya. Kaya magdala ng magandang underwear, para safe. 🙂

 

 

 

 

 Image

 

 

 

Yes, day 3 ng adventure. Ang huling araw ni Dora sa Sagada. So, where are we going? It’s in Ampacao Mt. and down to Danum Lake gamit gamit ang baging ni Dora. Hahahaha. Anya ni Kuya Kim ito ang pinka extreme mountain adventure kung saan aakyat na ng isa sa pinakamatataas na bundok ng Sagada. Ito ang totoong Mountaineers Day. Ibig sabihin, ang unang dalawang araw ay warm up lamang para sa araw na ito.

 

Pagod-pagod, tulad ng pag dating sa Sagada, tanghali din aalis sa lugar. May oras pa para bumisita sa Baguio at mamili. Pero paniguradong matutulog na lamang sa bus at magpapahinga ng sobrang dame.

 

 

Ang mga pinag sasabi ko ay sadyang imahinasyon ko lamang base sa mga kwento ni Kuya Kim noong orientation namin bago umakyat. Pinagakakapitan ko lamang ang mga katagang nasambit niya, “Masaya yan sigurado.” Note # 6 Huwag igioogle ang mga lugar na ito. Siguraduhin mo na lamang na masusurprise ka at mag eenjoy.Hihi. Note # 7 Yung IT ay pwede pang magbago, ang totoong kwento nito ay coming soon.

 

 

Advertisements