Ang Mga Paslit sa Aklat-Agap-Mulat

Image

Ang limang araw na pagkawala ay parang isang dekadang pag ahon sa bagong hamon ng buhay. Walang ibang hinangad ang pamilyang ito, kundi ang magbigay, magpangiti at magbahagi ng kaalamang kailangang matutunan ng mga paslit. Ang mag hubog ng mga bagong pag-asa ng bayan. Ang mag bangon ng mga maliliit na paslit na inabandona at pinahirapang ng mga pagkakataon.

 Image

Ang panunahing hangad ay magbigay saya sa mga batang walang hangad kundi maramdam ang pansamantalang kaligayahan na hindi naipakita ng kanilang mga tunay na pamilya. Ang makita ang mga munting mga kislap sa mga mata ng maliliit na bata sa nursery. Ang pasayawin sa indayog ang makukulit na mga bata ng blue house. Ang pangitiin ang mga tahimik na magagandang mga bata ng pink house. At paindakin ang mga paslit ng green house.

 Image

Naalala ko tuloy ang isang maliit na paslit na si Brayan, siguro apat o limatng taong gulang. Matampuhin sya at humihingi ng kalinga. Dalawang beses siya saking nagtampo, una ay dahil hindi ko maayos ang kanyang relos, ito ay isa sa mga paraan niya ng paglalambing. Pangalawang beses, ay dahil may kausap akong ibang mga  bata. Pero sa kabila na lahat ng ito, ibang iba pa rin sya sa mga normal na mga batang nakita ko, dahil sa murang eded marunong na siyang magparaya.

Tawag niya sakin ay ‘Ate’, “Ate paayos naman neto”, “Ate basahin mo itong libro  sakin”,“Ate san ka?”, “Ate dito ka lang habang kumakain ako”. Pero alam mo kung anong pinaka madamdaming tanong niya sakin? “Ate alis na po kayo? Sige po alis na din po ako, babye..” Hindi siya umiyak, hawak hawak ang cupcake na kumalat pa sa kamay at damit . Isang paslit na naglalakad palayo, ni walang bakas ng pagkalungkot, ni hindi man lang nagtanong kung babalik pa ba ako. Isang batang sanay na sanay maiwan, at naiintindihang hindi niya ako tunay na Ate. Na kilangan niya ng umalis kasi hindi rin naman na ako magtatagal. Kasama ang ibang maliliit na bata, patungo na siya sa pink house. Sa lugar na mga 30 talampakan ang layo, lumingon siya at nakangiting kumaway.

Part 2: Ang Paglalakbay ng mga Paslit

Advertisements